-- Advertisements --

Patay ang isang ginang matapos magtamo ng matinding tama sa kaniyang ulo, nang mabagsakan ng malaking punong kahoy ang kanilang bahay sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Omaira Macapudi, na natutulog nang mangyari ang pagkabuwal ng puno.

Nangyari ito bandang alas-4:30 ng madaling araw.

Wala namang tinamong pinsala ang dalawa nitong anak na nasa bahay din nang mangyari ang trahedya.