-- Advertisements --
gilas primer vs jordan

Nakatakda mamayang alas-8 ng gabi ang magiging bakbakan sa pagitan ng Gilas Pilipinas at ng Jordan Falcons para sa gold match ng Men’s 5×5 basketball sa nagpapatuloy na Asian games 2023.

Ang paghaharap ng dalawang bigating koponan ay magsisilbing rematch matapos unang tambakan ng Jordan ang Team Philippines sa Group Stage, ilang araw na ang nakakalipas.

Ang dalawang koponan ay kapwa galing sa Group C.

Kapwa nagtala ang dalawa ng tig-dalawang panalo laban sa kanilang mga kasamang bansa, bago ang kanilang naging paghaharap noong Setyembre-30 kung saan tinalo ng Jordan ang Pilipinas at agad pumasok sa quarterfinals.

Dahil sa pagkatalo, kinailangan ding pumasok muna sa elimination ang Pilipinas at nakaharap ang Qatar.

Matapos ang quarterfinals at semifinals kapwa umusad ang dalawang national team na nakatakda ngang magharap mamayang gabi.

Inaasahang mangunguna pa rin sa Team Jordan ang playmaker na si Rondae Hollis-Jefferson habang ang Team Philippines ay umaasa pa rin sa magiging magandang combination nina Justin Brownlee, at June Mar Fajardo na silang nangunnguna sa mga nakalipas na laro ng Gilas.