-- Advertisements --
Gilas
Gilas Pilipinas/ SBP image

Nasa Spain na ang Gilas Pilipinas para sa kanilang walong araw na training camp bilang paghahanda sa FIBA World Cup na gaganapin sa China.

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) pasado 5 a.m. ng Lunes ng makarating na ang national team.

Umalis ang koponan madaling araw ng Linggo kung saan nag-stop over pa ang mga ito sa Dubai.

SBP GILAS
Gilas Pilipinas

Tanging 11 manlalaro lamang ng Gilas ang nakasama na kinabibilangan nina Japeth Aguilar, Mark Barroca, Beau Belga, Andray Blatche, Robert Bolick, Poy Erram, Paul Lee, Gabe Norwood at CJ Perez.

Hindi pa nakasama si Kiefer Ravena dahil sa suspension nito sa mula FIBA.
Makakaharap naman ng Gilas ang Congo at Ivory Coast sa exhibition matches bago ang gagawing pocket tournament.

Kinumpirma naman ni Senator Bong Go ang panonood personal nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.