Wala umanong kasiguraduhan kung lalaro sa kanilang do-or-die game ang Milwaukee Bucks MVP na si Giannis Atentokounmpo laban sa Miami Heat ngayong Lunes.
Ang Game 4 ay nakatakdang gawin bukas ng alas-3:30 ng madaling araw bukas (PH time) .
Una nang nakaranas ng sprain sa kanyang right ankle si Giannis sa kanilang pagkatalo sa Game 3.
Pero ayon kay Bucks head coach Mike Budenholzer, alam niyang pipilitin pa rin ni Giannis na maglaro at hindi pababayaan ang koponan.
Una nang sinabi Giannis na sila ang unang team sa NBA na babangon mula sa 3-0 deficit.
Kung maaalala sa huling laro ay nagtala ang Greek freak ng 21 points at 16 rebounds na kahit minsan ay iika-ika sa game bunsod ng pilay.
Muli namang pinanahiya ng Miami ang Bucks sa score na 115 110 sa Game 3.