pacquiao 1 week to go
WBA welterweight champion Manny “Pacman” Pacquiao

Kung nais umanong bumalik sa ibabaw ng ring ang fighting senator ng Pilipinas na si Manny Pacquiao sa buwan ng Hulyo, kailangan na niyang mamili sa susunod na makakalaban.

Sa kasalukuyan, sina Mikey Garcia at Errol Spence Jr., ang natitira sa naunang listahan ni Pacquiao.

Ngunit sino kaya ang mas makatotohanan sa dalawa?

Simple lamang daw ang sagot dito ni si Mikey Garcia.

Ito ay sa dahilang hindi pa maaaring lumaban si Spence Jr., bunsod na nagpapagaling pa ito mula sa solo-car accident noong Oktubre.

Ibig sabihin lamang nito ay si Garcia raw ang natitirang posibleng kalabanin ng nag-iisang eight-division world champion ng boxing.

Kung sakaling matuloy ay nais namang ganapin ito ng promoter ni Garcia na si Eddie Hearn sa Saudi Arabia.

Naging matagumpay ang huling boxing event na ginanap kung saan nagharap sina heavyweights Anthony Joshua at Andy Ruiz sa ikalawang pagkakataon.

Palaisipan pa rin sa marami kung bakit ayaw pa magdesisyon ng kampo ni Pacquiao sapagkat apat na buwan na lamang bago tumuntong ang buwan ng Hulyo