-- Advertisements --

Tinanggal na ng girl group na 4th Impact ang kanilang fundraising campaign para sa kanilang 200 na aso.

Kasunod ito sa mga batikos ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at ilang mga fans.

Nitong Pebrero 28 kasi ay naglunsad ng fundraising ang Pinay P-pop group para sa paghahanap ng farm na tirahan ng kanilang 200 Shih Tzu na mga aso.

Ayon sa isang miyembro na si Elvira na ibinigay ng kanilang fans ang mga aso at sinimula na nila itong padamihin.

Dahil dito ay binatikos sila ng PAWS kung saan sinabing isang uri ng pagiging iresponsable ang ginawa na ito ng grupo.

Hindi pa nagbigay ng pahayag ang grupo ukol sa pagtanggal na ng kanilang fundraising campaign para sa kanilang aso.