-- Advertisements --
Umakyat sa isang gusali ang tinaguriang French spiderman na si Alain Robert para ipanawagan ang kapayapaan sa labanan ng Israel at Hamas.
Inakyat nito ang 187 metro o katumbas ng 613 talampakan na gusali na Tour TotalEnergies Coupole tower sa La Defense business district.
Umabot ito ng 90 minuto bago tuluyang maabot ang tuktok ng nasabing gusali.
Sinabi ng 61-anyos na si Rober na ito ang paraan niya para ipanawagan ang ceasefire sa nagaganap na kaguluhan sa Israel kontra sa Hamas militants.