-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi naman siya tinamaan ng COVID-19 sa kabila ng kanyang dinaranas na pneumonia.

Una rito, mismong si Tugade ang nag-upload ng kanyang larawan sa social media na nagpapakita na naka-confine siya sa hindi pinangalanang ospital.

Nagpaliwanag ang dating kalihim sa kanyang statement na sumama raw ang kanyang pakiramdam matapos ang kanyang speaking engagement sa Southridge students noong Sabado.

Bago naman daw ang event ay sumailalim silang lahat sa antigen test at negatibo naman.

Inamin din ni Tugade na nabo-boared na siya sa loob ospital dahil hindi niya magawa na makaikot at gawin ang gusto niyang gawin.

Nagpaalala na lamang ito sa lahat na alagaan ang kalusugan para iwas sa sakit at pagkabagot sa ospital.

“Sa awa ng Diyos, after the event with the students last Saturday, hindi naman po nasabayan ng COVID-19 ang pneumonia ko.
While on sickbed, I am bored. You know, being sick is boring. When one is sick, you cannot go to places you want to see. You cannot do the things you like to do. You cannot personally talk to people you want to speak with. You cannot hang around to chill and even do Tiktok! Haaay. Being sick is really boring!!!… Avoid boredom. Don’t get sick. Stay healthy!”