-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Team Lakay fighter Eduard Folayang kung bakit delikadong kalaban si Christian Lee.

Ayon sa 36-anyos na Pinoy mixed martial arts fighter na mayroong angking lakas at bilis ang 22-anyos na si Lee.

Magugunitang nabigo si Folayang sa kamay ni Shinya Aoki noong Marso 2019 at tinalo naman ni Lee si Aoki sa pamamagitan ng second-round technical knockout.

Nauna rito nagpahayag si Lee na magiging patok sa mga fans ng MMA kapag sila ay magharap sa octagon.