-- Advertisements --

Pinahintulutan ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng flexible working hours ang mga kababayan nating Muslin sa panahon ng Ramadan.

Sa isang memorandum na inilabas ng kagawaran ay sinabi nito na ito ay bilang pagpapahayag ng kanilang respeto sa kultura at karapatan ng lahat ng mga Pilipinong Muslim na mag-aayuno sa Ramadan mula Abril 3 hanggang Mayo 3.

Magsisimula ang flexible working hours sa mga Muslim mula 7:00 a.m. hanggang 9:30 a.m. at magtatapos naman mula 3:00p.m. hanggang 5:30 p.m.

Wala namang magaganap na noon break sa mga ito upang makumpleto pa rin ang walong oras na trabaho ng mga ito.

Ang Ramadan ay ang ikasiyam na buwan ng Islamic calendar – na sinusunod ng mga Muslim sa buong mundo bilang isang buwan ng pagdarasal at pag-aayuno.