-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay matapos ang paglabas ng balitang pagpanaw ng singer ng bandang Fleetwood Mac na si Christine McVie sa edad 79.

Kinumpirma ng pamilya ng British singer-songwriter ang pagpanaw ni McVie kung saan sa pagamutan na ito nalagutan ng hininga.

Isinilang bilang si Christine Perfect kung saan ikinasal ito sa basista ng banda na si John McVie.

Taong 1970 ng sumali ito sa banda at matapos ang 28 taon ay umalis ito noong 1998.

Nagpasya itong bumalik sa banda noong 2014.

Ang 79-anyos na singer ay siyang nasa likod na kumanta ng “LIttle Lies”, “Everywhere”, “Don’t Stop”, “Say You Love Me” at “Songbird”.

Sumikat ang bandang Fleetwood Mac noong 1970 hanggang dekada 80.

Kabilang din siya sa walong miyembro ng banda na ginawaran ng Rock ‘n’ Roll Hall of Fame noong 1998.