-- Advertisements --

Inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang listahan ng Gilas Pilipinas na sasabak kontra Jordan para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers window 4.

Ang nasabing laro ay gaganapin bukas , Agosto 28, sa Mall of Asia.

Pinangunahan ni June Mar Fajardo, Justine Baltazar, AJ Ed, Juan Gomez De Liano,Chris Newsome, CJ Perez, Kevin Quiambao, Dwight Ramos,Troy Rosario, Kai Sotto, Carl Tamayo at Scottie Thompson.

Una ng sinabi ni Gilas head coach Tim Cone na magiging all-Filipino ang Gilas dahil sa kawalan ni Justin Brownlee na patuloy ang pagpapagaling mula sa kaniyang injury.

Target din ng Gilas na makabawi matapos na talunin sila sa finals ng 2023 Asian Games na ginanap sa China.