-- Advertisements --

Nabigo ang Philippine women’s futsal team sa world number 14 na Poland 6-0 sa pagsisimula ng FIFA Futsal Women’s World Cup na ginanap sa PhilSports Arena sa lungsod ng Pasig.

Bagamat pinilit ng Filipina5 na makabangon ay ibinaon pa sila lalo ng Polish player.

Dahil dito ay bumagsak na sila sa elimination zone sa Group A na mayroong -6 goal difference.

Nagaya rin nila ang Morocco na unang tinalo ng Argentina.

Bagamat talo ay ikinatuwa pa rin ni Filipina5 coach Rafa Merino na naglaro ang koponan sa ganun na level.