CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat ikinabigla subalit malaki ang pasasalamat sa team ng 19 anyos na tubong Cagayan de Oro City na si Filipina-Brazilian beauty queen Nikki de Moura nang mahirang na Ms. Grand Philippines title holder nitong taon.
Ito ang pagpapaliwanag sa Bombo Radyo ng kanyang fashion designer na si Jei-Jei Aisa patungkol sa tagumpay na naabot ng kanilang alaga sa katatapos lamang na coronation night ng Ms. Grand Philippines na nilahukan ng ilang season na beauty queens sa Maynila kagabi.
Pag-amin ni Aisa na target lang nila makuha ang korona para sa Reina HispanoAmericana Filipinas dahil sa pagiging dugong Brazilian din ni Nikki ngunit mas malaki pa ang napalunan nila sa nabanggit na kompetisyon.
Kuwento pa nito na ilang beauty pageant competitions na rin ang sinalihan ni Nikki habang nanatili sila sa Cagayan de Oro hanggang sa namalagi sa Maynila noong kasagsagan ng pandemya dala ng COVID-19.
Una rito,natanong si Nikki sa final question and answer kung paano niya ipagmalaki ang bansang Pilipinas sa harap ng international community.