Namayani si Filipino-American basketball player Bobby Ray Parks Jr sa apat na magkakasunod na panalo ng Japan B League team na Nagoya Diamond Dolphins.
Sa huling laban ng Nagoya, tinalo nito ang Osaka Evessa, 86 – 78.
Naging instrumental si Parks Jr sa kanyang 17pts, 2 rebs, at dalawang assts.
Dahil sa apat na magkakasunod na panalo ng Nagoya, hawak na nito ngayon ang kartadang 11 – 3 para sa 2023 -2024 B League Season, at nangunguna sa Western conference, kasama ang defending champion na Ryuku Golden Kings.
Ang Japan B League ay isa sa mga liga sa ibat ibang bahagi ng mundo na nakakahikayat ng maraming mga ateletang Pinoy.
Maliban kay Parks Jr, naglalaro din dito ang iba pang kilalang Pinoy basketball players na kinabibilangan nina Dwight Ramos, RJ Abarrientos, Thirdy Ravena, atbp.