-- Advertisements --
Ikinalungkot ng fashon modelling industry sa US matapos ang pagpanaw ni Tatjana Patitz sa edad 56.
Ayon sa agent nito na si Corrine Nicola na hindi na nito nakayanan ang kaniyang breast cancer.
Isinilang sa German si Patitz kung saan naging cover ito ng ilang issues ng Vogue at ilang mga fashion magazines noong dekada 80.
Nadiskubre ito noong 1983 ng maging finalist ng “Elite Model Look” competition at noong 1990 ay naging iconic na siya ng British Vogue cover.