Bumaba ang utang ng Pilipinas ng halos $894million sa pagtatapos ng ikalawang kwarter ng kasalukuyang taon.
Ito ang inulat ng Banko Sentral ng Pilipinas(BSP).
Ang halos $900million na naitalang pagbaba ay natanggal sa kabuuang $118.8billion na utang ng bansa sa pagtatapos ng unang kwarter.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pagbaba ng utang ng bansa ay dahil sa paggalaw ng US dollars sanhi ng mga polisiya na ginagawa ng Federal Reserve ng Estados Unidos.
Bumaba rin umano ang public sector external debt mula sa $75.2billion noong unang kwarter patungo sa $74.5billion sa 2nd quarter.
Sa kasalukuyan, nasa $117.9 billion ang naitatalang utang ng Pilipinas mula sa iba’t ibang creditors sa labas ng bansa, o ang tinatawag na external debt.
Paliwanag ng BSP, nananatiling manageable ang panlabas na utang ng Pilipinas.