Balik na si dating Senator Leila de Lima sa kanyang orihinal na detention cell sa PNP Custodial Center.
Inihayag ni PNP Headquarters Support Service (HSS) Chief Police Col. Mark Pespes, kagabi pa nakabalik sa kanyang detention cell si De Lima matapos na mabigyan ng clearance ng mga doktor sa PNP General Hospital.
Kung maalala, si De Lima ay na-admit sa PNPGH noong Lunes dahil sa acute coronary syndrome, costochondritis, at hypertension, kasunod ng naranasan niyang pang-ho-hostage noong Linggo.
Dagdag pa niya na tinanggihan ni De Lima ang alok na ilipat sya sa dating detention cell ni Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla Jr.
Una nang inalok ni PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. na ilipat ng selda si de Lima, dahil sa loob ng kanyang detention cell nabaril at namatay ang kanyang hostage taker.