-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi sang-ayon si dating Senate Pres. Nene Pimentel sa isinusulong na pagbabalik death penalty ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo iginiit ni Pimentel ang kahalagahan ng buhay ng tao na hindi umano maaaring bawiin basta ng estado dahil sa kasalanang nalabag nito sa batas.
Para sa dating senador, makabubuti kung paninindigan pa rin ang sintensya na habang buhay na pagkakakulong.
Isa si Pimentel sa mga nagsulong noon na ibasura ang death penalty.
Ito rin ang founder ng partidong kinabibilangan ni Pangulong Duterte na PDP-Laban.
Bagamat suportado nito ang mga programa ng presidente, malamig si Pimentel sa usapin ng pagpapalit ng Saligang Batas patungong pederalismo.