-- Advertisements --

ILOILO CITY – Natukoy ng mga otoridad na dating police officer ang major supplier ng illegal na droga sa lloilo.

Ito ay kasunod nga pagbunyag mismo ng kanyang mga customer matapos mahuli sa isinagawang drug buy bust operation sa Poblacion Centro, Calinog Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Dadje De Lima, hepe ng Calinog Municipal Police Station, sinabi nito na kinumpirma mismo ng mga durugistang mag-asawa na sina Liza Charmaine Mendoza at Angelo Roy Morales na isang police officer ang nagsusuplay sa kanila ng bulto bulto na illegal na droga na nagkakahalaga ng daan daang libong piso.

Hindi naman pinangalanan ang nasabing pulis na dating nakadestino sa Iloilo Province.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung isa rin siya sa nagsusuplay ng droga sa ibang bahagi ng Western Visayas.