-- Advertisements --

Nanumpa na si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez bilang acting member ng Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS).
Ayon sa Presidential Communications Office, nanumpa si Gutierrez sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Si Gutierrez, ang unang babaeng Ombudsman ng bansa, ay humawak ng posisyon sa loob ng limang taon bago nagbitiw noong Abril 2011.
Nagbitiw siya bago magsimula ang kanyang paglilitis sa impeachment sa Senado sa gitna ng mga alegasyon ng mababang conviction rate.
Pati na ang kawalan ng aksyon sa ilang kaso ng graft, kabilang na rin ang mga kinasangkutan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na nagtalaga sa kanya bilang ombudsman noong Disyembre 2005.