-- Advertisements --
LA UNION – Hinuli ng mga otoridad ang isang ex-OFW na itinuturing na Top Most Wanted Person sa municipal level sa Bangar, La Union.
Sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng mga otoridad, hinuli ang suspek sa Gerona Tarlac, bandang alas 10:00 ng umaga noong Lunes (Nobyembre 25) alinsunod sa warrant of arrest, na inilabas noong August 15, 2015 ni Judge Manuel Aquino mula Regional Trial Court Br 34 sa Balaoan, La Union.
Nakilala ang suspek na si Camilo Cruz, 31, binata, dating OFW, residente ng Luzong Norte, Bangar, La Union at nagtago sa Tarlac ng mahigit apat na taon.
Base sa report, ang suspek ay may kasong panggagahasa na may kaugnayan sa RA 7610 o child abuse.