Pumanaw na ang dating drummer ng German rock band na Scorpions na si James Kottak sa edad na 61.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Tobi sa kanilang bahay sa Louiseville, Kentucky.
Hind naman nito binanggit ang sanhi ng kamatayan ng ama.
Sumali sa grupo si James noong 1996 at siya ang itinuturing na matagal na miyembro ng grupo hanggang noong 2016 ng sibakin ito dahil sa kaniyang bisyo na pag-inom ng alak.
Sumailalim na ito sa alcohol rehabilitation hanggang noong 2022 ng itinigil na niya ang pag-inom ng alak.
Bago naging miyembro ng Scorpions ay siya ang original drummer ng bandang Kingdom Come na itinuturing na mala Led Zeppelin ang istilo nila ng musika.
Ilang mga banda ang kaniyang sinalihan gaya ng Krunk, Montrose, Wild Horses at Buster Brown.
Bukod sa musika ay kabilang din siya sa reality TV show na “Ex-Wives of Rock” noong 2012.
Ikinasal siya sa kapatid ng musikerong si Tommy Lee na si Athena mula 1996 hanggang 2010 at sila ay nagkasuhan para sa kustodiya ng kanilang anak na si Matthew.