-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang estudyante nang magbigti sa punong kahoy sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si alyas Rene,22 anyos,binata at residente ng Barangay Bolebac Lebak Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Lebak PNP natagpuan ang bangkay ng binata na nakalambitin sa isang punong kahoy.

Sinabi ng kapatid ng biktima na bago ito nagpatiwakal ay napapansin nila na laging nag-iisa,malungkot at laging nagmukmok sa kanyang kwarto.

Marami ang naniniwala na posibling depresyon o personal na problema ang dahilan para kitilin ng binata ang kanyang sariling buhay.

Sa imbestigasyon ng Lebak PNP ay wala silang nakitang foul play sa pagkasawi ng biktima.