-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Eraserheads frontman Ely Buendia ang mga fans na dumalo at nanood ng kanilang reunion concerts.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan ng stage at nagbiro pa na nakapunta pa ang mga fans kahit na kakaunti lamang ang panahon mula ng ianunsiyo ang petsa ng concert.

Dagdag pa nito na nakagawa ang mga fans ng kasaysayan dahil sa pagdalo ng concerts.

Magugunitang noong Setyembre ng ianunsiyo ang reunion concerts at matapos ang dalawang buwan ay naubos agad ang tickets kaya nagdagdag sila ng tickets.

Aabot sa mahigit 75,000 ang estimated crowd na nanood ng nasabing concert.