BOMBO DAGUPAN – Ramdam na ng mga mamamayan sa Japan ang epekto ng supertyphoon na Hinnamnor.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Hannah Galvez mula sa Japan, bago pa tumama ang bagyo ay pinalikas na ng mga awtoridad ang mga residente sa Okinawa prefecture at sa rehiyon ng Amami sa Kagoshima Prefecture.
Napakalakas ng hangin ang dala nito at katunayan ay nagtumbahan na ang plantation ng sugar cane.
Pinaalalahanan umano ng mga otoridad ang mga tao na huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan.
Sa ngayon ay marami na aniya ang nasa evacuaton center lalo na ang mga matatanda kung saan inaasahang mananatili hanggang sa darating na linggo.
Dagdag ni Galvez na pinaghandaan na mga tao ang bagyo at nakapamili na rin sila sa supermarket.
Nagsilbi aniyang aral din sa mga tao doon ang mga nagdaang bagyo noong mga taong 2003, 2005 at 2015 kung saan ilang mga istraktura ang pinabagsak at mga sasakyan na pinalipad ng malalakas na hangin at pag-ulan.