-- Advertisements --

Muling binasag ni Enrique Gil ang spekulasyon na break na sila ng kanyang longtime girlfriend na si Liza Soberano. 

Sa isang panayam, ibinunyag ng aktor na masaya sila ni Liza kahit na masyado silang busy sa kani-kanilang karera sa show business. 

Ibinahagi rin ni Enrique na napagtanto nilang hindi lang dapat naka-sentro ang kanilang relasyon sa isa’t isa upang mas marami umano silang magawa sa kanilang karera. 

Nang tanungin kung ano ang plano niya sa Valentine’s Day, ang ide-date raw muna niya ay ang kanyang ina dahil busy pa si Lisa sa U.S. para mag-promote ng pelikula nito.