Sinumulan na ng English singer-songwriter ang kanyang gig para sa climate chage at Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.
Unang nag-perform ang “Rocketman” sa Paris, France at dito niya kinanta ang “Tiny Dancer” at “Your Song” sa harap ng Eiffel Tower.
“No one should be left behind,” ayon sa 74-year-old pop legend.
Itinuloy pa rin nito ang kanyang concert sa kabila ng hip injury na naging dahilan kung bakit niya kinansela ang lahat ng mga tour sa buong taon.
Una rito, nais ng NGO Global Citizen na makapagtanim ng isang bilyong puno, dalawang bilyong bakuna ang maipadala sa mga pinakamahirap na bansa at pagkain para sa 41 million na kataong naghihirap.
Headliner sa Paris si Ed Sheeran kasama ang Black Eyed Peas at Stormzy habang si Stevie Wonder naman ang nanguna sa Los Angeles.
Ang gig ay sinabayan din ng mga performance nina Billie Eilish, Coldplay at Jennifer Lopez san New York Central Park.
Nasa stage din si Prince Harry at Meghan Markle para suportahan ang naturang event.