-- Advertisements --

Napili ang bansang El Salvador na susunod na magiging host ng 72nd Miss Universe ngayong katapusan ng 2023.

Inanunisyo ito ng organizers sa kasagsagan ng 2022 Miss Universe pageant sa New Orleans.

Sa nasabing pageant din ay naglabas ng video message si El Salvador President Nayib Bukele ang kanilang kasabikan na susunod na maging host.

Ipinagmalaki pa nito na ang kanilang bansa ay puno ng magagandang lugar kung saan mayroon silang magandang dagat para mag-surf sa buong mundo, bukod pa sa pinakamasarap na kape ay sila ang may pinakaligtas na bansa sa Latin America.

Magugunitang nakuha ng pambato ng USA ang MIss Universe 2022 sa pamamagitan ni Filipina-American R’Booney Gabriel.