
Magdadala ngayong araw ang low pressure area (LPA) na nasa bisinidad ng Leyte ng maulap na papawirin at kalat-kalat na rain showers at thunderstorms sa Eastern Visayas.
Kasabay nito, nagpaalala na ang Pagasa sa mga lugar na makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na posibleng makaranas ang mga ito ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa data ng Pagasa, huling namataan ang sama ng panaho sa vicinity ng Tanauan, Leyte.
Ayon kay weather specialist Ezra Boquiren, maliit naman daw ang tiyansang maging ganap itong bagyo at posibleng malusaw na sa mga susunod na araw.
Samantala, ang Northeast Monsoon (Amihan) naman ang makakaapekto sa Northern Luzon.
Magdadala ito ng isolated light rains sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng generally fair weather.










