-- Advertisements --

Pumanaw na ang drummer ng classic 70’s superband na Earth, Wind & Fire na si Fred White sa edad 67.

Ayon sa kapatid at kabanda nito na si Verdine White na sa kanilang bahay nila ito nalagutan ng hininga sa unang araw ng 2023.

Hindi na nagbigay pa ng detalye sa sanhi ng kamatayan nito.

Itinuturing niya ang kapatid bilang “original” founding member ng grupo.

Binuo aniya nito ang banda noong siya ay edad 16 pa lamang.

Bago nabuo ang banda ay sumasama na rin si White sa singer na si Donny Hathaway bilang drummer
Nagwagi ang bandang Earth, Wind and Fire ng anim na Grammys at 13 beses itong nominado.

Nagwagi siya ng best R&B instrumental performance sa 1979 sa kantang “Boogie Wonderland”.

Taong 2000 ng ma-induct ang banda sa Rock & Roll Hall of Fame.