-- Advertisements --
Muling pinatunayan ni Filipino Tennis Star Alex Eala ang galing sa mundo ng Tennis matapos pataubin ang kanyang kalabang si Katy Dunne ng Great Britain, daan para umusad ito sa 2nd round ng International Tennis Federation (ITF) W25 Yecla
Ang nasabing turneyo ay kasalukuyang ginaganap sa Spain.
Nagtapos ang laban ng dalawa sa score na 7-5, 2-6, 6-2, kung saan bahagyang nahirapan ito sa pangalawang frame ng laro.
Sa pag-usad ni Eala sa 2nd round, makakalaban nito si French star Nahia Berecoechea.
Sa ilalim ng ITF, mas mataas ang ranking ni Eala na nasa 266, kumpara kay Berecoechea na nasa 585.
Gayonpaman, hindi pa nasusubukan ng dalawa na magkaharap sa mga ITF tournament.