-- Advertisements --

Kumpyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na maidedepensa ni Health Sec. Francisco Duque III ang sarili sa kinakaharap nitong imbestigasyon ng Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tiwala si Pangulong Duterte na masasagot ni Sec. Duque ang lahat ng alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay sa pangangasiwa ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Sec. Roque, nananatili rin ang kumpiyansa ni Pangulong Duterte kay Sec. Duque kaya mananatili ito sa pwesto at hindi sisibakin habang iniimbestigahan ng Ombudsman.

Magugunitang iniutos ni Ombudsman Samuel Martires ang pagtatatag ng dalawang investigating teams na siyang tututok kung bakit nagkaroon ng delay sa procurement ng Department of Health (DOH) ng personal protective equipment (PPEs) at iba pang medical gear para sa mga healthcare workers kaya marami sa mga ito ang masawi dahil sa COVID-19.