-- Advertisements --

Nakatakdang pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mindanao kasunod ng nangyaring pagpatay ng siyam na pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Interior Sec. Eduardo Año, nais ni Pangulong Duterte na mapanatili ang relasyon ng PNP at AFP sa lugar kaya kakausapin nito ang kanilang mga commanders.

Ayon kay Sec. Año, hindi muna nito babanggitin ang eksaktong petsa at lokasyon ng pagpunta ni Pangulong Duterte sa Mindanao dahil sa usaping panseguridad sa commander-in-chief.

Kung may pagkakataon, kakausapin din daw ni Pangulong Duterte ang siyam na pulis na sangkot sa shooting incident.