-- Advertisements --

Inihalal ng PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Sen. Manny Pacquiao si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III bilang kanilang party chairman, ayon sa executive director ng partido na si Ron Munsayac..

Sinabi ni Munsayac, pinalitan ng “original” PDP-Laban si Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang chairman sa eleksyon na kanilang idinaos sa pagtitipon-tipon ng kanilang national council ngayong hapon.

Ayon kay Munsayac, si Pimentel ang kanilang bagong chairman at si dating Gov. Lutgardo Barbo naman ang napiling vice chairman ng kanilang paksyon.

Magugunita na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagkakasundo ang paksyon ni Pacquiao at ang paksyon naman ni Energy Sec. Alfonso Cusi.

Noong Hulyo, pinatalsik ng grupo ni Cusi si Pacquiao bilang PDP-Laban President.

Pinalitan si Pacquiao ni Cusi.