-- Advertisements --
PresDuterte 1
President Duterte

Muling pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde sa buong bansa na patuloy na magpatupad ng social distancing.

Sa kaniyang national address nitong Abril 13, nagbanta ang pangulo na kapag naaktuhan niya ang alkalde at nakitang maraming mga tao ang hindi sumusunod sa social distancing dahil sa ipinapatupad na lockdown ay hindi ito magdadalawang isip na arestuhin ang mga alkalde.

Kasabay din nito pinayuhan niya ang mga mamamayan na manatili sa kanilang bahay at sundin ang mga ipinapatupad na quarantine protocol.

Unang tinalakay ng pangulo ang kahalagahan ng National ID System dahil kapag mayroon na sana ito noon ay napapabilis na ang pagbibigay ng mga tulong sa mamamayan.

Muling tiniyak nito na may pera ang bansa para sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng krisis dulot ng coronavirus disease kung saan kapag naubusan ay maaaring mangutang ang bansa at ibenta na ang mga gusali na pag-aari ng gobyerno.

kaniya lamang tatanggalin ang quarantine kapag nakabili na ang bansa ng antibodies para sa nasabing virus.

Pinapabilis na rin ng pangulo ang pagpapabili ng mga rapid test kits para ito ay agad na magamit.