-- Advertisements --
Binigyan ni Kevin Durant ang koponan nitong Brooklyn Nets ng ultimatum na mamili sa pagitan nila ng coach na si Steve Nash at general manager Sean Marks.
Kinausap kasi nito ang opisyal ng Nets kasunod ng trade request niya noon pang Hunyo.
Sinasabing nawalan na raw ito ng kumpiyansa sa Nets coach at general manager nito.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagpulong din sina Durant at Nets owner Joe Tsai sa London kung saan kasabay na rin ng kaniyang isang taong anibersaryo na pagpirma ng four-year $198 milyon contract.
Ilang koponan gaya ng Toronto Raptors, Miami Heat at Boston Celtics ang nagpahayag ng interes na makuha si Durant pero hanggang ngayon ay wala pa ring umuusad na negosasyon.