-- Advertisements --

Hindi kinaya ng Brooklyn Nets ang Dallas Mavericks matapos na pahiyain sa score na 113-111.

Nagpanalo sa Mavs si Spencer Dinwiddie nang maitala ang 3-pointer na buzzer beater.

Si Dinwiddie ay dating player ng Brooklyn (36-34).

Nanguna naman sa opensa ng Dallas ang All-Star na si Luka Doncic na kumamada ng 37 points, 9 rebounds at nine assists sa halos triple double performance.

Natuldukan naman ng Mavs (43-26) ang apat na sunod-sunod na panalo ng Brooklyn.

Habang nasayang naman ang diskarte ni Kevin Durant sa kanyang all-around game na nagpakita ng 23 points, 10 assists at 6 rebounds.