Inihayag ng IBON Foundation na dapat magdulot ng pag-alala o concern ang dumoble na utang ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ito ay sa kabila ng paglilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi dapat ikabahala ang paglobo ng utang ng bansa lalo pa’t may malinaw naman ito na dahilan.
Ngunit, sinabi ni IBON’s executive director Sonny Africa na nakakaalarma ang plano ng administrasyon na magpatupad ng bagong anyo ng mga buwis upang bayaran ang tumataas na utang.
Aniya, sa ganap na termino, dumoble ang utang ng bansa mula sa P6 trilyon — na minana ng gobyerno ni outgoing President Rodrigo Duterte sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino — tungo sa mahigit P12 trilyon.
Nauna nang sinabi ni outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas Governor at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno na ang susunod na administrasyon ay magmamana ng “much better economy” ngunit may pagtaas ng utang-sa- GDP ratio dahil sa pandemya ng COVID-19.
Aniya, mapapamahalaan pa rin ang antas ng utang hangga’t tinitiyak ng susunod na administrasyon ang matatag na paglago ng ekonomiya.