-- Advertisements --
Naglabas ng kaniyang hinaing ang singer na si Dua Lipa laban sa negatibong pagtingin sa kaniya ng mga fans.
Sinabi nito na hindi alam ng karamihan niyang fans na mahilig itong magbasa ng libro.
Dagdag pa nito na isang kalabisan na ang hindi pagnanais ng kaniyang fans na maging political at maging smart.
Mula kasi ng ilunsad ng British-Albanian singer ng kaniyang kantang “New Rules” noong 2017 ay naglunsad din ito ng kaniyang book club, lifestyle newsletter at international music festival sa Pristina, Kosovo.
Nakilala din ito minsan sa usapin ng pulitika ng batikusin niya ang gobyerno ng United Kingdom dahil sa mahinang programa sa mga immigrants.