-- Advertisements --
Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa pagbili ng mga ‘mystery parcels’.
Nauuso ang nasabing pagbili ng mga ‘mystery parcels’ o mga produkto na hindi naideliver o hindi nakarating sa mga dapat pagbigyan.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, na maikokonsiderang mga nakaw na bagay ang tinatawag na mystery parcels.
Dagdag pa nito na hanggang hindi idineklara ng may-ari na inabandona na nito ang parcel ay sa kaniya pa rin ito.
May pananagutan ang nasabing nagtanggal ng waybill at mga papel.