-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng magkaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang bilihin pagkatapos ng April 16, kasunod ng pansamantalang price freeze agreement sa pagitan ng manufacturers at retailers.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, walang pagtaas sa presyo ng basic necessities at prime commodities hanggang April 16, ngunit inaasahang maaaring sumunod ang adjustments sa ilang produkto matapos nito.

Tiniyak ng DTI na mahigit 200 basic goods, kabilang ang de-lata, gatas, kape, sabon, at bottled water ay mananatiling stable ang presyo sa loob ng naturang period, habang patuloy ang monitoring at lingguhang pagpupulong sa mga manufacturers.

Samantala, sinabi ng Department of Agriculture na nananatiling stable ang supply ng pagkain sa bansa sa kabila ng global uncertainty at tensyon sa Middle East, bagama’t binabantayan ang posibleng epekto sa langis at fertilizers.

Nagbabala rin ang DTI laban sa hoarding at profiteering, at iginiit na mahigpit na ipatutupad ang Price Act laban sa mga lalabag. (report by Bombo Jai)