Iniulat ng Department of Social Welfare and Development na pumalo na sa 1,798 indibidwal na naninirahan sa mga lansangang ng Metro Manila ang kanilang natulungan.
Ito ay sa ilalim ng kanilang tulong-tuloy na pag-arangkada ng kanilang Oplan Pag-abot program.
Batas sa datos ng ahensya, na nasabing numero, 189 dito ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program ng DSWD.
Aabot naman sa 607 ang napauwi sa kani-kanilang probinsya sa ilalim naman ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program.
Sumampa na rin sa 1,185 reached-out individuals na nai-refer sa mga lokal na pamahalaan habang aabot sa 607 ang pansamantalang nananatili sa temporary shelter ng ahensya at mga Residential Care Facilities nito.
Siniguro naman ng DSWD na magpapatuloy ang kanilang reach-out operations sa marami pang lansangan sa NCR.
Tinatarget ng ahensya na matulungan ang mga pamilya na higit apat na buwan nang naninirahan sa lansangan ng Metro Manila.