Kinilala ng Oriental Mindoro Provincial Gov’t ang naging pagtugon ng Department of Social Welfare and Development sa panahon ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro.
Personal naman na tinanggap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang naturang pagkilala.
Naroon ang kalihim para sa paggunita sa unang taong anibersaryo ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Kabilang sa mga nagtungo sa lalawigan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Maria Antonia Loyzaga at DSWD Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Diana Rose Cajipe.
Samantala, nag-paabot naman ng pasasalamat si Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor sa ahensya dahil sa patuloy nitong pagbibigay ng humanitarian aid. Ito ay kinabibilangan ng food and non-food relief supplies, cash-for work, Assistance to Individuals in Crisis Situation at Emergency Cash Transfer at iba pang tulong mula sa gobyerno.
Batay sa datos, aabot na sa 19,900 na mga pamilya o 99,000 indibidwal sa Oriental Mindoro ang naapektuhan ng pagtagas ng langis mula sa lumubog ng MT Princess Pebrero 28, 2023.