-- Advertisements --

Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na handa siyang makipaghtulongan sa na dis-bar na abogado na si Larry Gadon na kamakailan ay hinirang bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.

Ayon kay Gatchalian, excited umano siyang makipagtrabaho sa bawat mamamayan, indibidwal o grupo na nais tumulong sa laban para matapos na ang kagutuman at kahirapan.

Titingnan niya raw kung paano isasama at i-streamline ang plano ni Gadon na “Batang Busig, Malusog” feeding program sa pangunahing pagsisikap ng Department of Social Welfare and Development laban sa kahirapan.

Nauna nang sinabi ni Gadon na i-synchronize at papangasiwaan niya ang umiiral na programa laban kahirapan at lilikha ng mas mahusay na paraan.