-- Advertisements --
DAVAO CITY – Patay isinagawang buy bust operation ang isang lalaki matapos itong manlaban umano sa mga awtoridad.
Nakilala ang suspek na si Raffy Cayas, residente ng Brgy 37-D, Trading Boulevard, Davao City.
Nabatid na natunugan ng suspect na pulis ang kanyang katransaksyon kaya binunot nito ang kanyang dalang sumpak subalit hindi nagawang magpaputok dahil naunahan ito ng mga awtoridad.
Nakuha mula sa suspect ang limang pakete ng illegal na droga at P2,000 na buy bust money.
Ang suspect ay matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad at kagabi lamang naisagawa ng San Pedro PNP at PDEA-11ang operasyon sa Dr. Gahol St., Brgy. 19-B.