-- Advertisements --
BORACAY

Nakiisa ang Department of Tourism (DOT) sa mga beachgoers, vacationers, local government officials, at tourism stakeholders mula sa publiko at pribadong sektor sa opisyal na pagsisimula ng ‘Love Boracay’ sa premiere tourist destination sa bansa, ang Boracay Island.

Sa gitna ng kilalang powdery white beach sa buong mundo na may mga makukulay na parasails, ipinahayag ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang walang humpay na suporta ng DOT sa promosyon at preserbasyon ng Boracay Island sa Malay, Aklan.

Nagtatampok ang Love Boracay ng retro music night at isang public forum na nagtataguyod ng turismo sa nasabing lugar.

Aniya, ang Boracay ay ang isang pinaka-nangungunang tourist destination sa buong mundo dahil sa kakaiba nitong ganda ng karagatan.

Kung maaalala, pinalitan ng local government unit (LGU) ng Malay ang kilala noong LaBoracay, ang walang tigil na party na ginaganap sa isla tuwing ika-1 ng Mayo o tuwing Araw ng Paggawa, at ginawa itong ‘Love Boracay’.