-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hinikayat ng Department of Tourism (DOT) Bicol ang mga hotel na maging bukas sa ideya na gawing quarantine areas para sa mga Person Under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM) dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DOT Bicol Director Benjamin Santiago, sinabi nitong kailangan ang kooperasyon ng mga hotels dahil may ilang lugar sa rehiyon na walang quarantine areas.

Ayon kay Santiago, sa pamamagitan nito ay mababawasan ang mga mahahawaan ng virus kumpara sa mga nakahome-quarantine lamang na mga PUI at PUM.

Malaking tulong umano ang paglalagay ng mga quarantine areas upang maibalik sa normal ang buhay ng mga tao dahil sa epekto ng coronavirus.