-- Advertisements --

Hindi isasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dolomite beach sa Manila Bay.

Sinabi ito ni DENR Usec. Benny Antiporda sa kabila nang patuloy na pagdagsa ng maraming tao sa lugar mula nang binuksan ito sa publiko noong Oktubre 16.

Hindi naman aniya patas din sa taumbayan na isara lamang ang naturang lugar sa kabila nang napakalaking ginastos sa nasabing proyekto.

Nabatid na ang Manila Bay Dolomite Beach project ay ginastusan ng pamahalaan ng P389 million.

Gayunman magmula nang magkaroon ng mass gathering sa lugar noong weekend, sinabi ni Antiporda na binago na ng mga awtoridad ang guidelines para payagan lamang ang isang batch ng mga tao sa area sa loob lang ng limang minuto.

Bukod dito, nagpadala na rin aniya ang Manila City government at sila mismo sa DENR ng karagdagan pang mga marshalls para matiyak na nasusunod ang minimum public health standards.