-- Advertisements --
DOJ

Nilinaw ng Department of Justice na hindi miyembro at hindi nauugnay si TGP Party List Representative Jose”Bong” Teves Jr sa idineklarang Teves Terrorist Group ng Anti-Terrorism Council.

Kung maaalala, kasabay ng deklarasyon ng naturang konseho kay dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. bilang terorista at tinukoy rin nito ang umano’y terrorist group ng dating opisyal.

Ayon sa Department of Justice, ang naging aksyon ng ACT laban kay Teves ay batay na rin sa mapagkakatiwalaang intelligence.

Giit nito na walang koneksyon si Representative Jose”Bong” Teves Jr sa Terroristy Group ng dating mambabatas.

Samantala, kasama naman ni Arnie Teves sa deklarasyon ng ACT ang kanyang nakababatang kapatid na si Pryde Henry Teves.